Wednesday, November 7, 2007

10 - Dangerous Adventures

Kung nagmamaneho kayo, huwag kayong mag-overspeeding. Also, be careful with motorbikes. Personally, meron akong bias dyan sa motorbike. Hindi ako mahilig dyan. Eh ano ba ang maganda sa motorbike? Pag umulan, basa ka. Pag uminit, sunburned ka. Pag may alikabok, pumunta na agad sa iyo. Pag magpipreno ka, nakatukod ang paa mo. Pag nabangga ka, katawan mo agad ang hahampas sa kalsada. Although may mga maingat at magagaling. Hindi ko naman sila pinipigil na magganyan. But young people must say no to dangerous activities. Yung yabang-driving. Ang daming kabataan, hindi na tumanda. Namatay agad dahil sa yabang-driving. Naputol ang paa, naputol ang kamay, naputol ang ilong. Yabang swimming. Yung pupunta sa ibabaw ng bundok, tatalon. Lubog ang ulo sa putik, hindi mabunot, patay!! Pinulikat, patay! Magsu-swimming sa dagat, doon sa pinakamalayo. Doon magpapa-impress sa ang layu-layo, hinila ng pating, patay! Yang mga yabang-yabang, alisin nyo sa buhay nyo. Dapat ang iniisip natin, I will keep my body safe from all dangers. Kaya pag may nagyayaya, "Halika tumalon tayo sa bato, tumalon tayo sa building." Ano dapat ang inyong sagot? "Ayaw ko nga, masaktan pa ako." Kaya pinipili din natin yung mga sports na merong maximum safety. And, of course, you have to attire yourself properly. Ang dami-daming kabataan ang nasayang ang buhay dahil sa isang pagkakamali. Tinawag na aksidente. Ano ang nangyayari? Yung buong buhay nila, kung minsan paralitiko na sila. Kung minsan handicapped. Although kung nangyari na yun, ang Panginoon naman eh, gracious. Natutulungan Niya tayo to make the most out of the situation. But you and I will agree that if people are more careful, then we have a much more enjoyable life. Kasi yon ang plano ng Dios para sa atin. Say no to dangerous adventures.

No comments: