Minsan, naiinggit ka sa ate mo. Bakit lagi na lang siya ang naiimbitahan sa debut? Lagi na lang siya ang tagaabot ng mga kandila? Tapos kayo ang tagaabot ng posporo. Eh, bakit yung kapatid nyo laging nakukuhang maid of honor, tapos kayo maid of horror? O, bakit yung kapatid mo laging valedictorian, ikaw buloktorian?
Minsan ay naiinggit tayo sa sarili nating kapatid. Ano ba ang dapat? "Hindi ako maiinggit sa kapatid ko. I will celebreatewith my brother or sister dahil magaling siya." Kasi yung iba naman ay mga sulsol. "O, yung kapatid mo na naman ang bida. Ikaw hindi." Ano'ng gusto mong marinig. "O, walang bida sa inyong magkapatid, lahat kayo ay lugi." Yan ba ang gusto mo? You should celebrate with your brother or sister. Kung ano yung maganda sa kanya, nahahawa ka rin naman. "Ah, yang si Binibining Kangkungan, kapatid ko yan." Kahit hindi ka naging Binibining Kangkungan, yung kapatid mo naman, naging Binibini, parang pride mo na rin yon. Ang magkakapatid ay hindi dapat nagkakainggitan. Dapat hanapin mo kung ano yung talent mo. Kung ano yung papel mo. Dun ka mag-operate. Hindi dapat naiinggit sa kapwa. Alam nyo yung naiinggit sa kapwa, hindi niya tinitingnan yung galing na bigay sa kanya ng Dios. Ang lagi na lang niyang tinititigan ay yung galing na ibinigay sa iba.
----------------------------------------
James 3: 16
For where you have envy and selfish ambition, there you find disorder and every evil practice.
----------------------------------------
So dapat ay ayaw natin sa envy. Kasi pag kayo ay envious, nauubos yung lakas nyo para ang labanan yung tao sa area na malakas niya. Eh, kasi yun yung giftedness nya, pinipili nyong makipaga-compete. Ubos na ubos yung lakas nyo. Wala rin namang mangyayari. Ang nadadaya ay tayo. Nadadaya tayo ni Satanas. Bakit? Yung energy natin na dapat nagagamit natin para maging what we have to be, we are not able to do because we are using our energy in tryung to hide what we are and trying to be what we are not/ So in expending your energy, don't use it in hiding what you are not, but work so that what you are meant to be. That's why envy is a future buster.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment