Ito yung ang pakiramdam mo sa sarili ay ang liit-liit mo. Kawawa ka naman. Aping-api ka. Payag kang ginagawa kang trapo. Binubulyaw-bulyawan. Sinisigaw-sigawan. Para kang mascot. Para kang clown.
----------------------------------------
Psalm 139: 14
I praise you because I am fearfully and wonderfully made; Your works are wonderful, I know that full well.
----------------------------------------
Lahat tayo ay nilikha ng Dios. Ang Dios ay hindi lumilikha ng basura. Ang Dios ay hindi lumilikha ng walang kwenta. Kaya dapat nyong sabihin sa sarili nyo, "I am wonderfully made." "Ang ganda-ganda ko! Ang tali-talino ko!" "Okey ako!" "Because of God, I am wonderful." Kailanman ay hindi kayo magiging the best person that you can be pag meron kayong inferiority feeling. You will always settle for less.
Hindi kayo dapat magkaroon ng inferiority feeling kahit kayo over-weight. Pag pinatulan nyo lahat ng mga advertisement kung sino ang dapat maging model, tiyak na ang daming taong hindi pwede. Pag kinonsider mo yung height ng mga model, hindi ka na pwede. Ang tingin mo sa sarili mo, dwende. Pag tiningnan mo yung slim na slim sila, ang tingin mo sa sarili mo para kang elepante. Eh kasi, image model nga yon.
Huwag kayong magpapaniwala lagi sa advertisements. Ano ba ang gusto ng advertisement na paniwalaan nyo tungkol sa magandang buhok? Lahat ng straight. Eh, paano kung kinky ang buhok mo? Paano kung kulut-kulot ka na parang Ita? Ano ang tingin mo sa sarili mo? Balewala ka na? Of course not! You are still wonderfully made.
Ang sasabihin naman ng iba, ang dapat may maputi ka. Pag maitin ka, pangit. Hindi! Dahil Dios din ang lumikha ng lahat ng kulay ng balat.
Hindi rin totoong ang magaganda lang ay yung mga may taas na 6 feet. O 5'10", o 5'7". Ang Dios ay hindi lumilikha ng pangit. Ang lahat ay maganda sa tingin ng Dios. Kaya lang tayo napapangitan o nagagandahan sa iba, nakukondisyon tayo ng culture. Nakukondisyon tayo ng advertisement. Nakukondisyon tayo ng maraming bagay. We're enslaved by the Greek standard of beauty. Na dapat ay matangos ang ilong at maputi ang balat. Paano kung hindi ka ganun? Ibig bang sabihin, pangit ka? No! The standards of the world of beauty are just biases of those who are powerful. Kaya hindi natin sila dapaat pinakikinggan. Don't feel inferior.
Halimbawa ay hindi ka mahusay kumanta. Magkaka-inferiority complex ka sa magaling kumanta. Eh, ano? Magaling naman pala kayo haliimbawang sumayaw. O magaling ka naman pala, halimbawa, na manood. Kagalingan din yon. Halimbawa ay magaling kang mag-drawing. Magaling ka sa Math. Magaling ka sa counseling. Magaling kang makiramdam. Magaling kang magtrabaho. Magaling ka sa sculpture. Lahat ng tao ay may angking galing/ Hindi nyo dapat iniisip yung galing ng iba na wala kayo. Ang hanapin nyo ay yung galing na ibinigay sa inyo ng Dios.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment