----------------------------------------
1 Corinthians 15: 33
Do not be misled: "Bad company corrupts good character."
----------------------------------------
Huwag magpadaya. Pag masama ang kasama, masama ang impluwensya. Kaya pag may nagyaya sa atin sa masama, ang sinasabi natin, "Ayaw!" Hindi yung pag inutusan ng magulang, "Anak, magluto ka na." Ayaw! "Maglinis ka na ng bahay." Ayaw. Pero pag sinabi ng barkada, "Tena, gimik tayo." "Yes!"
Youth is a stage that you pass through. But then youth is also a stage that you get entangled with; that you can get trapped in and that you can be destroyed by. May mga barb wire. Dumadaan ka kung minsan, makikilampas ka. Dadaan ka, whatever, nakakalampas ka. Pero merong hindi. Pagdaan mo may taong nakasabit dun. Hindi na siya nakaalis. Sumabit siyang masyado. Ganun din ang kabataan. Yung period of youth. Lumalampas lang tayo pero merong hindi na nakakalampas, sumasabit, namamatay na dun. Nadidisempower dun. O kaya ay na-disable dun. Destroyed. And can no longer mature and grow to a full life dahil sumabit. Yung mga binabanggit ko sa inyo, pwedeng sabitan. Pre-marital sex, sabit ka. Drugs, sabit ka. Dangerous activities, sabit ka. Ang goal natin, huwag kayong sumabit para paglampas nyo sa youth, you will grow to become the wonderful, fulfilled person that God wants you to be. Para mangyari yun, dapat marunong kayong magsabi ng Ayaw! Hiwag kayong "yes" nang "yes" lang. "Nakakahiya naman, sasama na rin ako." Kaya para may kakayahan kayong tumanggi, huwag kayong mahilig sa libre. Kasi pag may naglilibre nang naglilibre sa inyo at niyaya kayo sa masama baka makahiyaan nyo ang tumanggi. Hindi kayo dapat dependent on people. Kahit mayaman yung tao pag hindi ka dependent sa kayamanan nya, you can refuse. He has no power over you.
What you do now can have extensive influence on what you will become. That's why it is important.
Pero kung meron sa inyong sumabit na, remember that God is a God of restoration. Mari-restore pa rin Niya tayo. Kahit nagkaroon tayo ng teen pregnancy, it's not the end of the world. Stop doing wrong, be righteous and God will bless you. Walang katapusan ang pagmamahal sa atin ng Dios. Pwede Niya tayong i-restore. Even if we are damaged partially or greatly, God can restore us. Dapat tayong lumapit sa Kanya, sumunod sa Kanya at huwag nang bumalik sa mga bagay na ito. Dun naman sa mga hindi nakaranas masira, huwag na kayong mag-adventure. Play it safe. Ang lahat ng bagay na dapat ayawan, ayawan na, para ang ating buhay ay magkaroon ng mabuting kapupuntahan.
----------------------------------------
Ecclesiastes 11: 9
Be happy, young man, while you are young, and let your heart give you joy in the days of your youth. Follow the ways of your heart and whatever your eyes see, but know that for all these things God will bring you to judgement.
----------------------------------------
Ecclesiastes 12: 1
Remember your Creator in the days of your youth, before thatdays of trouble come and the years approach when you will say, "I find no pleasure in them..."
----------------------------------------
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment