Say no to unbiblical religion o yung mas dangerous, pseudo-biblical religion. Kunwari ay may Bible pero binabaligtad ang ibig sabihin. Tinu-twist. Pag nalibang ka ay wala na yung Bible. Kung anu-ano ang itinuturo sa iyo. Say no to godless ideologies. Susuriin mo agad. May Dios baa yan o wala? Ayoko pag walang Dios kahit gaano kaganda ang presentation. Dapat malaman ng mga kabataan na merong mga nagpapanggap na Christian groups. Mahilig mag-Bible study sa mga mall, sa mga fast food, sa mga park. Usually they are very presentable. Magaling mag-ingles. Sosyal. Ang galing-galing nila. Class! Sasali ako. Pero ang ituturo sa inyo, pag may conflict sa bahay, layasan nyo ang magulang. Yun daw ang sabi ng Dios.
----------------------------------------
2 Timothy 4: 3-5
For the time will come when men will not put up with sound doctrine. Instead, to suit their own desires, they will gather around them a great number of teachers to say what their itching ears want to hear. They will turn their ears away from the truth and turn aside to myths. But you, keep your head in all situations...
----------------------------------------
Iwasan nyo yung mga nagri-recruit sa campus. "Sumali ka sa amin, paliligayahin natin ang mahihirap. Wawakasan natin ang paghihirap sa mundo." Paano? Itanong nyo nga kung paano? Kasi kung marahas ang pamamaraan, this is not the way of God. Paano mo lulutasin ang karahasan sa pamamagitan din ng karahasan? Peace overcomes evil. Love overcomes hatred. Godliness overcomes wickedness. Huwag kayong magpadala sa mga magagandang salita. "Sumali kayo sa amin, merong orgy." Anong klaseng religion yan? Na yung mga leader, lahat ng asawa ng may asawa, pwede niyang hiramin at kunin. Ano yan? Dapat ay alam nyong may mga ganyang naglipana sa ating paligid. Na ang kanilang mga communities ay merong free sex. Ano ang kinalaman ng Dios dun?
Once upon a time, many years ago, ang dami-daming mga puti ang nasa kalsada, nanghihikayat. Dala-dala ang Bible. Dala-dala ang mga tracts, pagkatapos ang lalaswa ng mga kasuotan. They even gave their bodies basta magba-Bible study later. Pakikinggan nyo ang ganitong mga katotohanan sapagkat maraming mga mandaraya. Say no to cults, to isms. May nagyaya sa inyo. "Halika, mag-spirit of the glass tayo." Sagutin nyo. "Ayaw! Anong spirit of the glass? Merong Holy Spirit, dun ako magtatanong." Bakit sa spirit of the glass? "Halika, mag-solitaryo tayo. Tatanungin natin kung mahal ka nga niya" "Teka! Tatanungin ko na lang siya." May nagyayaya sa inyo, "Halika, magpahula tayo." Anong sagot nyo sa pagpapahula? "Ayaw!" Lahat yan, may bad spirits. Masama ang bunga. Sabi ko nga, marami ang napu-possess dahil meron silang bitterness. Ang kalahati ng mga napu-possess, merong experience with the occult. Nagpapahula, nag-i-spirit of the glass. Nakikipag-usap sa mga patay. God forbids these all. Kaya kung meron kayong ganitong karanasan, ask to be prayed for. Ask to be counseled. You should be delivered from these things. Dahil yan ay bumabalik sa tao. Guguluhin ka. But in the name of the Lord, pwede mong palayasin. Magpapagamot ka sa mga ispiritista na naiiba ang boses at tumitirik ang mga mata. Hindi naman manggagamot ang mga espiritu, sila'y maninira lamang. Ang manggagamot ay si Hesus, wala nang iba. Lalapit tayo sa Panginoon at sa science, which is also part of the true faith because God is the author of all natural and scientific laws as well.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment