May mga taong very bitter against their own parents. Maririnig mo sa kanila, "Yung parents ko ganito, hindi ginagawa sa akin ito, sa kapatid ko ginagawa." "Di ako binigyan, utol ko binigyan. Lagi akong napapagalitan." "Lagi na lang akong hinahagisan ng kawali, may kumukulo pa namang mantika." Ganito, ganyan. Reklamo, reklamo. Napakarami ng istoryang ating naririnig, nalaman, nasaksihan. Marami yung napu-possess ng devil, na ang entry point ay bitterness. Na pag kinausap mo yung taong na-possess, madalas dahil sa bitterness. Sobra ang galit sa magulang, sa kapatid, sa tiya, kahit kanino. Pag dinala natin yun sa ating buhay, ang nangyayari, galit tayo sa mundo. Ang hirap nating makasundo, walang may gusto sa atin. Oversensitive. Overjealous. Overenvious. Ang dahilan, bitterness. Alam nyo ang solusyon sa bitterness? Forgiveness. Kung merong gumawa ng mali sa inyo lalo nung bata pa kayo at nakatanim yon sa inyong dibdib, bunutin nyo na! Kasi habang merong bitterness and anger in our hearts, we will not be ready for God's blessings. Why not?
----------------------------------------
Matthew 6: 14-15
For if you forgive men when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you. But if you do not forgive men their sins, your Father will not forgive your sins.
----------------------------------------
Araw-araw ay nagkakaroon tayo ng kasalanan. Kailangan natin ng kapatawaran mula sa Dios. Hindi tayo pinapatawad dahil hindi pala tayo nagpapatawad sa ating kapwa. Eh, di ang dami palang blessing na hindi dumadating dahil hindi tayo napapatawad ng Dios. Ngayon, bakit forgiveness ang sinasabikong solusyon sa bitterness? Kasi kung ang gagawin nyong solusyon sa bitterness ay yung magbago yung taong gumawa sa inyo ng mali at humingi ng tawad, parang kayo ang hostage. You only react to the situation. What if that person or those persons will not change their hearts? Hindi sila nagbagong loob. Hindi sila nag-recognize ng error at hindi humingi ng tawad, di hindi pa rin kayo makakapagpatawad. That's why take control of the situation. Forgive, whether or not they are asking for it. Because if you will not, ikaw ang unang-unang lugi. Get rid of bitterness. Kadalasan yung family natin ang object ng ating bitterness. Sila kasi ang kasama natin sa kamusmusan. Doon tayo minsan nakaramdam na maapi, makawawa. Whether it was true or perception lang natin. I'm challenging you right now to forgive. If you don't have the strength to forgive, ask God who gives strength.
----------------------------------------
Ephesians 4: 31
Get rid of all bitterness, rage and anger...
----------------------------------------
Kailangang alisin natin yan sa buhay natin. Anger is like acid. Alam nyo yung ginagawa ng acid sa lalagyan. Yung lalagyan ang unang nasisira. Kaya yung puso nyo, kung gagawin nyong lalagyan ng anger, which is acid, yung puso nyo ang unang masisira kesa sa taong gusto nyong tapunan ng acid na yun. So, get rid of all bitterness.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment