Wednesday, November 7, 2007

11 - Needless Enemies

Huwag kayong gumawa ng mga kaaway. Kasi yung makakaaway nyo ngayong bata pa kayo, kadalasn hanggang pagtanda nyo, kaaway nyo. Everybody needs help. Sa career, we need help. Sa ating mga hanapbuhay, we need help. When times of danger come, we need help. When we want to improve our lives, we need help. But definitely your enemies will not help you. Kaya iwasan natin yan. Be careful with fraternities. May mga fraternity na kunwari ay brotherhood inside the fraternity pero war with other frats. Gaano karaming young people ang hindi na naka-graduate sa college dahil sa frat war? Bakit lumubog ang mata nito? Tinamaan ng bote, nagbatuhan. Bakit nabiyak ang bungo? Hinampas ng kadena. Ang mga magulang sa probinsya, ipun nang ipon. Padala nang padala ng pera. Akala ay nag-aaral yung mga anak, yun pala ay nakikipag-frat war. Nasisira ang pag-aaral. Nasisira ang mga katawan. Maganda sana ang fraternity if it will stick to what is good. Brotherhood within frat. Brotherhood with other people. Hindi yung, "Hoy, brod, bhalika na, away tayo sa kabila." Ang brod mo lang pala ay yung ka-frat mo. Ang lahat ay kalaban mo na. Ba't ka sasali dun? Yung hindi mo inaaway, kaaway mo na rin. Kasi kaaway ng brod mo. Very unreasonable. I believe that there are many good fraternities but I also know that there are many bad fraternities. Pinapasali ka lang para marami sila. Para pag nakipag-away, marami. "Halika lalagyan kita ng tattoo sa mata." Ano ka, bale?

----------------------------------------
Titus 3: 1-2
Remind the people to be subject to rulers and authorities, to be obedient, to be ready to whatever is good, to slander no one, to be peaceable and considerate, and to show true humility toward all men.
----------------------------------------

Kaya kung may grupong gusto kayong recruit-in, tingnan nyo yung track record. Nakikipag-away ba tong grupong ito? Marami ba silang kaaway? Pag ganun, ba't pa kayo sasali? Wala pa kayong inaaway, pagsali nyo dun ang dami nyo agad kaaway. Namana nyo. Gagawin kayong brod pero bubugbugin muna kayo. Kailangan munang mangasul ang inyong mga kalamnan, magkabukul-bukol kayo. Papakainin kayo ng mga bulate. Papainumin kayo ng asido. Papagapangin kayo sa langgaman para maging ka-brod. Huwag na lang! You want brothers? Join Christian fellowships because you have brothers and sisters who are true. Hindi kayo bubugbugin, gagamutin pa ang inyong sugat. Hindi kayo isusuong sa gulo. Iiiwas pa kayo sa gulo.

No comments: