TOo much romantic emotion. Yung sobrang ma-in-love dahil sa kapapanood ng mga telenovela. Kapapakinig ng radyo. Kapapakinig ng mga tugtog na puro pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig ang laman. Na-text-an lang, missent pa ngam na in-love na. Ang dali namang mahulog ang loob. Kailangang wag munang ihuhulog ang loob agad-agad, no? Hiwag agad-agad. Huwag masyadong emosyonal. Kasi tayong mga Pilipino sobrang romantiko. Maabutan mo lang ng lanzones, kahit isang piraso lang, na in-love na. Napakadaling mahulog ang loob. Alam nyo hindi masamang meron kayong attraction pero kailangang lalagyan ng kontrol. Gaano karaming tao ang in-love na in-love ngayon? Tingnan mo. I-fast forward mo. Two years later, isang losyang na losyang na unwed mother. O, ang ganda-ganda niya. Dati parang ubas. Matapos ma-in-love at maibigay ang lahat, mukha na siyang pasas. Ang saya-saya dahil in-love. Mamaya naman walang kakibu-kibo. May family reunion, ayaw maki-join. Nag-attend ng church service, walang kakibu-kibo. Paano hindi pa siya tine-text. Naging sobrang dependent na on other people for happiness.
----------------------------------------
Titus 2: 11-12
For the grace of God that brings salvation has appeared to all men. It teaches us to say "No" to ungodliness and worldly passions, and to live self-controlled, upright and godly lives in this present age...
----------------------------------------
Kaya kailangan yung passion natin especially ang ating emotions ay under control. Hindi yung kinukontrol ka ng iyong emotion. Yung hindi ka makapigil. Kahjit binubugbog ka na ng magulang dahil sobrang gamit mo sa telepono ng long distance, nagtetelebabad ka. Hindi mo mapigil ang sarili. Hindi ka na makapasuk-pasok sa school dahil hindi mo mapigil ang saili sa pagpunta sa kanya para tungangaan mo lang maghapon. So, yang ganyang mga emotions, bagamat healthy na andyan yan, are under-checked. Especially, if you are very young. Huwag masyadong ihulog ang inyong loob. Magtira kayo sa sarili.
----------------------------------------
Titus 3:3
At one time, we, too, were foolish, disobedient, deceived and enslaved by all kinds of passions and pleasures.
----------------------------------------
Pero ang sinasabi dito past tense na. At one time, we, too, were foolish. Ang mga anak ng Dios, kung naging foolish nung araw, dapat past tense na. One time, we, too, were foolish but not anymore. Why not? Dahil nasa akin na ang Holy Spirit. Anak ako ng Dios. Marunong akong magsabi ng ayaw. Ingatan ang puri ng mga kalalakihan. Ingatan ang puri ng mga kababaihan. Lahat ng anak ng Dios, may puri. At lahat ng mga anak ng Dios ay dapat kapuri-puri ang buhay.
Wednesday, November 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment