Wednesday, November 7, 2007

3 - Mediocrity

We detest mediocrity or lack of excellence. Maganda ang plano ng Dios para sa atin. Hindi Niya planong maging third class lang tayo. Hindi Niya planong maghirap tayo. Hindi plano ng Dios na ang dami-daming prutas sa planeta pero hindi mo makayang bilhin. Hindi plano ng Dios na ang maraming magagandang bagay ay hindi natin makamit o hindi natin magawa.

----------------------------------------
Jeremiah 29: 11
"For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."
----------------------------------------

Dapat ay meron tayong plano sa ating sarili. Sa ating kinabukasan. Ang totoo kahit wala kang plano, ang Dios ay meron. Ano ang plano Niya? Plans to prosper you. Hindi Niya planong paghirapin kayo. Plans not to harm you. Plans to give you hope, a good future. But what must you do? You must be excellent. Excellent at good things. Kung ano yung mabuti, doon tayo dapat excellent. Hindi yung ang gagaling sa pangongopya. Ang gagaling sa pandaraya. Ang gagaling sa pagsisinungaling. Ang gagaling sa pag-imbento ng mga kwentong hindi totoo. Ang dapat ay magaling tayo sa magagandang bagay. Pag ginagawa natin yang magagandang bagay sa isang magaling na paraan, inihahanda natin ang sarili for a bright and beautiful future. Hindi yung bahala na. Hindi yung pwede na kahit ano ang mangyari. Dapat merong plano. At bawat plano, merong stage. Kailangan makatapos ka ng Grade 1 para maging Grade 2. Kailangang makatapos ka ng Grade 2 para ka umakyat sa Grade 3. Kailangang matuto kang magbasa para pag marunong ka na, magbasa ka na nang magbasa. Hindi yung pagkatapos ng pag-aaral, ayaw nang magbasa. Ayaw nang mag-review ng magagandang literature. Ayaw nangmag-aral pa. Hindi tayo ang-aaral para lang magkadiploma. Aanhin mo yung diploma, hindi naman nakakain yan. Ang pagtuklas ng kaalaman sa mga paaralan ay para magkaroon tayo ng appetite for knowledge to the point na kahit wala ng grade, wala ng assignment at wala ng book report ay nagbabasa ka pa rin ng libro. Na kahit walang reaction paper sa isang magandang pelikula ay pinapanood mo because it stimulates you intellectually. Na kahit walang assigned projects, gumagawa ka ng mga projects para sa sarili mo. Dahil, ultimately, sarili natin ang nadi-develop pag ginagawa natin yon. That's why ayaw ng Panginoon sa mediocrity o kawalan ng high quality.

No comments: