Wednesday, November 7, 2007

5 - Shyness

Dapat nating itakwil ang pagiging mahiyain.

----------------------------------------
2 Timothy 1: 7
For God did not give us a spirit of timidity, but a spirit of power.
----------------------------------------

Hindi tayo binigyan ng Dios ng spirit para maging timid. Yung ayaw kumibo. Nahihiya. "Kain ka na," "Busog po ako." "Dito na lang ako sa sulok." Dahil sa hiya, sasabihin mong busog ka samantalang kinakain na ng large intestine mo yung small intestine mo.
"Okey ka lang?" "Okey," pero may nakatapak pala sa iyo. Pisang-pisa na yung daliri mo.
"Nahihirapan ka ba?" "Okey lang po." Okey kayo nang okey yun pala ay nagdurusa na kayo.
Pasok ka dito." "Hindi na bale pong mabasa ako ng ulan dito sa labas." "Upo ka." "Gusto ko pong tumayo." Kasi para bang wala na tayong karapatang sabihin ang tunay nating nararamdaman. Sobra tayong mahiyain. Kasama kasi ang pagiging sobrang mahiyain sa ating kultura. Tinuturuan tayong sobrang magtiis, sobrang magtimpi, sobrang magpaapi sa iba. But the people of God are free. Jesus is the truth and truth sets free. You must be free from shyness. Pag tinanong kayo, "Gusto mong kumain?" "Opo, thank you." Di ba? Dapat ay hgindi ka shy. Tandaan nyong walang mangyayari sa mahiyain. Sasabihin nyo ang tunay na nararamdaman sa mabuting paraan. Sa ganun ay maggu-grow kayo. Yung iba ang gagaling kumanta, nahihiya. Hindi na-develop. Tatanungin mo, sino ang magaling sumayaw? Nahihiya pero ang galing pala. Kaya ang hirap dito sa bayan natin, kung hihingi ka ng volunteer, "Sino'ng gustong mag-volunteer?" Wala. Gusto ay pinipilit. "Halika na!" Sasabhiin, "Ayoko, ayoko." Dapat ay huwag kayong mahiyain.

No comments: